Manila, Philippines – Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa pagbibigay ng proteksyon para sa money claims ng mga Overseas Filipino Workers.
Isinusulong ng House Bill 1700 na inihain nila Akbayan Rep. Tom Villarin at ANGKLA Rep. Jesulito Manalo ang equal protection sa money claims sakaling ang isang OFW ay mawalan ng trabaho sa abroad.
Inaamyendahan ng panukala ang RA 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Layunin ng panukala na matulungan ang mga OFW na makuha ang kanilang placement fee, deduction fee at ang sahod mula sa natirang mga panahon sa trabaho.
Kasama din sa panukala ang pagtanggap ng kompensasyon ng isang OFW na basta na lamang sinibak sa trabaho ng walang sapat na dahilan.
Facebook Comments