Manila, Philippines – Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Tourism Secretary Wanda Teo.
Matatandaan na si Teo ay nagsumite ng kanyang resignation Letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea bago ang Cabinet Meeting kahapon sa Malacañang.
Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ngayong hapon ay magkakaroon siya ng pagkakataon na makausap si Pangulong Duterte at ngayon nga ay nabanggit nito na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation ni Teo at talagang bakante na ang posisyon ng kalihim ng Department of Tourism.
Wala namang nabanggit si Roque kung sino ang posibleng papalit kay Teo sa Posisyon.
Sa ngayon naman ay sunod sunod ang Events ni Pangulong Duterte dito sa Malacañang Mamaya ay nakatakdang magkaroon ng courtesy Call ang Senior representatives ng UP Vanguard Inc.
Magkakaroon din ng oath taking ceremony ang mga bagong promote na generals at flag officers ng AFP.
Pasado 6:00 naman mamayang gabi ay pangungunahan ni Pangulong Duterte ang AFP-PNP Joint Command Conference at ito ang unang command conference nila General Oscar Albayalde bilang PNP Chief at ni General Carlito Galvez na bagong AFP Chief of Staff.