Manila, Philippines – Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa “updated” na polisiya at standards para sa mga OFWs.
Sa House Bill 8110 o Handbook for OFWs Act of 2018, layunin nito na palakasin at ipabatid sa mga OFWs ang kanilang mga karapatan at responsibilidad.
Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act 8042 o ang “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995” para sa mas matatag na polisiya sa overseas employment at pagtatakda ng mataas na standard sa pagbibigay proteksyon at pagsusulong sa kapakanan ng mga migrant workers, ng kanilang mga pamilya at mga distress OFWs.
Nakapaloob din sa handbook ang pagbibigay ng education program para sa mga OFWs, mga impormasyon sa labor at living condition sa mga bansang pagtatrabahuan, benefits, at iba pa.
Inaatasan ang Philippines Overseas Employment Administration (POEA) na i-publish, i-update at ipamahagi ang handbook sa mga OFWs.