Kinakailangan pa ng mas malawak na pag-aaral sa paggamit ng Chinese traditional medicine na ‘Lian Hua Qing Wen’.
Ito ang iginiit Philippine College of Physicians President Dr. Mario Panaligan matapos na aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng gamot sa Pilipinas.
Ayon kay Panaligan, kahit may pag-aaral na nagsasabing pwedeng makatulong ang herbal medicine capsule na mapabilis ang paggaling ng mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19, ikinokonsidera pa rin nila itong “investigational”.
Aniya, kailangan pa ring malaman kung safe ito at talagang walang halong side effect.
Dahil dito, hihingan pa rin nila ng informed consent ang mga pasyente at kamag-anak nito para ipaalam na kailangan pa ng mas malawak na pag-aaral.
Ang Lian Hua Qing Wen ay opisyal nang ginagamit sa Brazil, Canada, Mozambique, Romania, Ecuador, Hong Kong, Macao, Laos, Indonesia, Thailand at Singapore bilang gamot sa lagnat, lung invasion, muscle pain, ubo at sipon.