Inaprubahang fuel subsidies ng Development Budget Coordination Committee, para lamang sa mga PUV driver – LTFRB

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tanging mga public utility vehicle (PUV) driver lamang ang mabibigyan ng fuel subsidy.

Mula ito sa inaprubahang P1-billion pondo ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa fuel subsidies ng transportation sector na apektado ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, ang mga PUJ sector ang pinakamalaking porsyento kung pagbabatayan ang coverage ng pampulikong sasakyan.


Kumpara ito sa taxis at Transport Network Vehicle Services (TNVS) na bumibiyahe nang hindi nakabase sa ruta.

Sa ngayon, nasa 178,000 PUV drivers ang mabebenipisyuhan ng fuel subsidy na ipapamahagi sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program.

Ang Landbank of the Philipppines ang mangangasiwa sa proseso ng pamamahagi ng subsidiya.

Facebook Comments