Dismayado ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa inaprubahang “wage increase” sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa TUCP, hindi ito sapat para upang matugunan ang tunay na problema ng mga manggagawa.
Tinawag ng grupo na trade isang handout o token gesture ang napakaliit na dagdag-sahod.
Hindi umano makakasabay sa inflation ang mga pamilyang Pilipino na nahihirapang mabuhay.
Dahil dito, iginiit ng TUCP na panahon na para ipasa ang legislated ₱150 daily wage increase.
Kaya na kasi nitong makabili ng masustansyang pagkain para sa pamilya ng mga manggagawa at mamuhunan sa edukasyon at kalusugan ng kanilang mga anak.
Dahil dito, hinihikayat ng TUCP ang Kongreso na kumilos at ipasa ang House Bill No. 7871 para maibigay sa mga manggagawa ang dagdag-sahod na nararapat sa kanila.