INASAR | Jeff Horn – kinantiyawan si Terrence Crawford

43

Kinantiyawan ng kampo ng Australian boxer na si Jeff Horn si Terence Crawford.

Balak daw kasi American boxer na gumamit ng mas manipis na boxing gloves kaysa sa gloves na may foam padding.

Sabi ni Glenn Rushton, trainer ni Horn – pagsisisihan ni Crawford ang kanyang plano.

Kahit sinasabing makadaragdag sa lakas ng suntok ang manipis na gloves, hindi aniya ito makakaapekto ng malaki sa kanyang kalaban.

Nakatakdang magharap ang dalawa sa June 9 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas.

Facebook Comments