Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Agriculture (DA) na bumuo ng bagong formula para sa pag-aangkat ng bigas.
Ito ay kasunod na rin ng utos ng Pangulo na paluwagin ang proseso sa rice importation.
Ipinauubaya ng Pangulo kay Agriculture Secretary Manny Piñol ang pagbalangkas ng bagong patakaran sa pag-aangkat ng bigas.
Pinatitiyak rin ng punong ehekutibo sa DA na kailangang unang bilhin ang palay o bigas na inani ng mga magsasaka bago mag-angkat mula sa ibang bansa.
Facebook Comments