Manila, Philippines- Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) na isauli sa Bureau of Treasury (BTR) ang halos ₱400 million na hindi nagamit na pondo para sa assistance program sa mga guro at iba pang school personnel kasabay ng pagpapatupad ng k-12 program.
Base sa 2017 COA report, binigyan ng kongreso ang DOLE ng aabot sa ₱500 million noong 2016 at ₱150 million noong 2017 para sa pagpapatupad ng Adjustiment Measures Program (AMP) para sa displaced workers sa k-12 curriculum.
Pero ang ₱150 million allocated fund para sa 2017 ay hindi inilabas ng Dept. of Budget and Management (DBM) dahil mayroon pang hindi nagagamit na ₱472.330 million mula sa 2016 allocation.
Mula noong December 31, 2017, dalawang taon matapos ipatupad ang amp, nasa higit ₱80 million lang ang nagastos, nag-iwan ng unused fund na nasa ₱392.107 million.
Sinabi ng COA na sobra ang ibinigay na pondo sa dole lalo at nagkaroon lamang ng mababang turn-out ng school personnel na nag-avail ng assistance.
Handa naman ang DOLE na ibalik ang mga hindi nagamit na pondo sa National Treasury.