INATASAN | Maximum tolerance sa araw ng SONA, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa pulisya at militar

Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya at militar na ipatupad ang maximum tolerance sa kanyang araw ng State of the Nation Address (SONA) sa july 23.

Ayon kay Duterte – hindi niya pipigilan ang sinumang indibidwal o anumang grupo na magsagawa ng kilos protesta dahil nirerespeto niya ang karapatang ihayag ang kanilang hinaing at reklamo sa gobyerno.

Hinimok pa ng Pangulo ang mga taga-oposisyon maging ang mga kaparian na sumali sa mga rally.


Para maiwasang magkaroon ng karahasan, ipinag-utos niya ang mga pulis na huwag magdala ng armas sa rally.

Facebook Comments