INATASAN | Mga makikinabang sa fuel voucher subsidy, pinasusumite ng DOTr sa LTFRB

Manila, Philippines – Iniutos ng Department of Transportation (DOTr) sa LTFRB na maglabas ng kumpletong listahan ng Public Utility Jeepney (PUJ) franchise holders na magiging benepisaryo ng fuel vouchers.

Kasunod ito ng pagsasapinal ng DOTr, Department of Finance (DOF), Department of Energy (DOE) and Department of Budget and Management (DBM) sa guideline ng pamamahagi ng fuel vouchers.

Nais makatiyak ng DOTr na hindi na mauulit ang karanasan sa nagdaang administrasyon na pinuna ng Commission on Audit (COA) Pantawid Pasada Program ang kawalan ng accountability sa distribusyon ng vouchers.


Pero, sa ngayon sa halip na vouchers, plano ng DOTr na gumamit ng debit cards upang ma-monitor ang ibinibigay na subsidiya.

Target na mai-release ang mga debit cards sa darating na buwan ng Hulyo.

Facebook Comments