INATASAN | Mga temporary vacant elective positions sa mga LGU, pinapupunan na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government na punan na ang mga pansamantalang nabakanteng elective positions sa mga Local Government Units sa lalong madaling panahon.

Sa bisa ng Administrative Order number 15 ay inaatasan ng Pangulo ang DILG na magtalaga ng mga opisyal sa mga lokal na pamahalaan na pansamantalang nabakante partikular ang mga posisyon ng mga Governor, Vice-Governor, Mayor, Vice-Mayor, Barangay Chairman at mga miyembro ng Sangguniang panglalawigan, pangbayan, panglungsod at pangbarangay.

Layon ng AO 15 ay matiyak na hindi magkakaroon ng pagkabalam sa operasyon ng mga lokal na pamahalaan at magtuloy tuloy ang pagseserbisyo nito sa Publiko.


Base sa Section 4 ng AO 15, sakaling naputol na ang succession line sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay magtatalaga ang kalihim ng DILG sa ilalim ng kapangyarihan ng Pangulo ng bansa ng isang kuwalipikadong personalidad sa posisyon.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang AO 15 kahapon December 13.

Facebook Comments