INATASAN | Ombudsman at DOJ, pinagkokomento sa mosyon ni Napoles na mapasailalim sa WPP

Manila, Philippines – Inaatasan ng Sandiganbayan 5th division sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Justice Sec. Vitaliano Aguirre na magkomento sa mosyon ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim-Napoles na mapasailalim siya sa DOJ custody sa ilalim ng Witness Protection Program.

Binigyan ng korte sina Morales at Aguirre ng tig-10 araw para mag hain ng komento.

Ayon naman sa Sandiganbayan hindi na kailangan ang court hearing sa mosyon ni Napoles na payagan itong sumailalim sa WPP.


Sa sandaling makuha ng korte ang reply ng Ombudsman at DOJ, saka naman maglalabas ng desisyon ang korte hinggil sa Napoles motion.

Nauna dito ay nagsumite ng ebidensya si Napoles sa Sandiganbayan na nagpapatunay na may banta sa kanyang buhay.

Facebook Comments