INATASAN | Pangulong Duterte, pinatitiyak sa mga ahensiya ng pamahalaan na matutulungan ang mga naapektuhan ng matinding sama ng panahon

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan na paigtingin pa ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan lalo na sa mga naapektohan ng matinding pagulan nitong nakaraang weekend.

Ayon kay Presidential spokesman Secretary Harry Roque, gusto ng Pangulo na matiyak ang kaligtasan ng lahat at matugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga biktima o mga apektado ng sama ng panahon.

Sinabi ni Roque na sa ngayon ay nasa mahigit 133 milyong pisong halaga ang naibigay na ng Pamahalaan sa mga naapekohan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health at ng Office of the Civil Defense.


Muli namang nagpaalala si Roque sa publiko na manatiling maging mapagmatiyag upang maging ligtas mula sa sama ng panahon.
Samantala, hindi naman natuloy ang isasagawa sanang Areal Survey o inspection ni Pangulong Duterte sa Metro Manila at Rizal.

Wala pa namang inilalabas ang malacanang na dahilan kung bakit hindi ito natuloy.

Facebook Comments