INATASAN | PNP Chief, inutusan ang mga Regional Director na paigtingin ang kampanya sa gun for hire

Manila, Philippines – Mas papaigtingin pa ng Philippine National Police ang kampanya laban sa mga riding-in-tandem na gun for fire at maging sa private arm group

Pinag-utos na kasi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa mga police regional director na lalong higpitan pa ang mga kampanyang ipinapatupad laban sa mga gun for hire syndicate.

Ayon kay PNP Chief Albayalde, papalapit nanaman ang eleksyon kaya’t malaki ang posibilidad na gamitin ng mga politoko ang mga naglipanang armadong grupo


Kahapon, tinukoy ng PNP na gun for hire ang nanambang at nakapatay kay Sudipen La Union Mayor Alexander Boquing kung saan nadaplisan ng bala sa ulo ang kanyang asawa na si Vice Mayor Wendy Joy

SA tala ng PNP, 11 mayor at 6 na vice mayor na ang namatay yan ay mula july 2016 hanggang ngayong buwan ng Oktubre.

Facebook Comments