INATASAN | PRRD, pinabubuo na sa DOH ang panel of experts para siyasatin ang Dengvaxia Vaccination program sa bansa

Manila, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Dept. of Health (DOH) para maghanap ng tatlong forensic experts mula sa mga bansa sa asya na nakapagpatupad ng Dengvaxia Vaccination.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III – nakahanap na sila ng tatlong eksperto at bubuo sila ng panel of experts base na rin sa direktiba ng Pangulo.

Pero sinabi naman ni DOH Usec. Eric Domingo – ang Pilipinas lamang gumamit ng Dengvaxia para sa mass vaccination program.


Ani Domingo – walang ibang bansa sa rehiyon ang nagpatupad ng public immunization ng Dengvaxia.

Ang Singapore, Malaysia, Thailand at Vietnam ay ginamit ang Dengvaxia para sa private practice.

Facebook Comments