INATASAN | Respondents sa mga kasong isinampa ng PAO at mga magulang ng Dengvaxia victims, pinasusumite na ng counter affidavit ng DOJ

Manila, Philippines – Inatasan na ng DOJ panel of prosecutors ang respondents sa mga kasong isinampa ng Public Attorney’s Office at ng mga magulang ng mga batang namatay sa Dengvaxia vaccine na magsumite ng kanilang counter affidavit.

Sa June 25 itinakda ng DOJ panel ang paghahain ng kontra salaysay ng respondents

Kabilang sa mga inireklamo sina Health sec. Francisco Duque, dating Health sec. Janette Garin , mga dati at kasalukuyang opisyal ng Dept of Health


Ang mga kasong isinampa laban sa kanila ay reckless imprudence resulting to homicide, Torture resulting in the death of any person and torture committed against children at penalizing obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders.

Kanina ay ni-receive ng mga abogado ng respondents ang kopya ng ika-pito, ikawalo at ika-siyam na complaints.

Facebook Comments