INAUGURATION OF FIRST PHILIPPINE REPUBLIC | Panukalang gawing Special Working Holiday ang January 23, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang gawing Special Working Holiday ang January 23 para ipagdiwang ang inagurasyon ng unang Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, ang may-akda ng Senate Bill No. 1525 mahalagang gunitain ang First Philippine Republic bilang pag-alala sa pagsisimula ng ating demokrasya at pagsulong ng kalayaan.

Pinatunayan aniya ng ating mga ninuno na kayang makamit ang kalayaan matapos ang higit 300 taong pananakop ng mga Kastila.


Ang First Philippine Republic o mas kilala bilang ‘Malolos Republic’ ay nagtagal mula January 23, 1899 hanggang March 23, 1901 sa pamumuno ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo.

Facebook Comments