INAWAT! | Isyu sa kalusugan ni Pangulong Duterte, dapat tigilan na – Sen. Lacson

Manila, Philippines – Inaawat na ni Senator Panfilo Ping Lacson ang patuloy na pagtalakay sa isyu kaugnay sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson, sapat na ang pahayag ng Pangulo na wala syang cancer o malubhang karamdaman bukod pa sa patuloy naman nating nakikita ang pangulo na gumaganap sa kanyang trabaho.

Giit ni Lacson, sa halip na pagdiskitahan ang kalusugan ni Pangulong Duterte ay makabubuting pagtuunan ng pansin ang mga problemang kinakaharap ng bansa.


Kabilang sa tinukoy ni Lacson ang ekonomiya, peace and order, pagpatay sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at marami pang iba.

Facebook Comments