Patuloy na tumataas ang bilang ng foreign tourist arrivals at mga nagbabalik-bayan simula nang luwagan ng Pilipinas ang restriksiyon nito sa inbound passengers.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mula February 10 hanggang February 20, pumalo na sa 24, 826 ang naiulat na mga dumating na turista sa bansa.
11,334 dito o 45.7% ay mga balikbayan habang 13,492 o 54.3% ay mga dayuhang turista.
Pinakamalaking bilang ng tourist arrivals ay mula sa Estados Unidos na nasa 5,755 na sinundan ng Canada, 1,356,910 naman ang galing ng United Kingdom habang ang iba pang mga turista ay galing sa Australia, South Korea, Vietnam, Japan at Germany.
Kaugnay nito ay nasa 64 ng mga bansa na ang kinikilala at tinatanggap ng Pilipinas ang kanilang proof of vaccination.
Kabilang sa mga huling nadagdag ay ang Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.