Hindi muna papayagang makapasok ang mga biyahero sa Puerto Princesa City, Palawan.
Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Mayor Lucilo Bayron na epektibo ang suspensyon ng inbound travel hanggang May 31.
Pero hindi nito sakop ang mga government officials na Authorized Person Outside of Residence (APOR).
Ayon pa sa alkalde, wala silang problema sa isolation facilities pero ang malaking problema nila ngayon ay ang kakulangan ng healthcare workers.
Katunayan, kada isolation facility ay isang doktor lang ang nagbabantay.
Una rito, isinisi ni Bayron sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang COVID-19 surge sa lungsod matapos nitong ipag-utos ang “unified travel protocol” kung saan hindi na require na mag-quarantine ang mga pasahero maliban kung may sintomas.