
Nagpasalamat ang Iglesia ni Cristo (INC) sa lahat ng mga tumulong sa kanilang isinagawang Rally for Transparency and a Better Democracy.
Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na hindi na kinailangan na umabot ng tatlong araw ang kanilang rally dahil sa lawak at bilis ng media coverage.
Inorganisa ng INC ang tatlong-araw na pagtitipon upang idiin ang panawagan para sa malinaw at wastong imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
Pinasalamatan din nila ang mga miyembro na dumalo sa Quirino Grandstand mula pa noong Linggo.
Muli naman iginiit ng INC na hindi sila sang-ayon sa mga hakbang na labag sa Saligang Batas.
Kahapon nang magtalumpati si Senadora Imee Marcos kung saan naglahad ito ng mga kontrobersiyal na akusasyon laban sa first family.









