INC, nagbigay ng tulong pinansiyal sa QC Government para sa mga naapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19

Nagkaloob ng Monetary donation na PHP5 million ang Iglesia ni Cristo (INC) sa pamahalaang Lungsod ng Quezon para makatulong laban sa pagkalat ng COVID-19.

Personal na tinanggap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang cash donation mula sa INC nang mag Courtesy Call ito kahapon.

Bilang tugon, nagpaabot ng pasalamat ang alkalde kay INC Executive Minister Brother Eduardo Manalo sa tulong na bigay nito.


Paliwanag pa ni Belmonte, malaki ang maitutulong ng pondo lalung-lalo na gipit ang LGU sa panggastos sa pagkain, gamot, mga gamit sa precautionary measures na kakailanganin.

Hanggang kahapon, abot na sa 44 ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, dalawa ang nasawi na at 5 ang naka recover.

Sa ngayon may 27 pang Person Under Investigation (PUI) at 128 na Patients Under Monitoring (PUM) ang binabantayan sa mga hospital na pinagdalhan sa kanila.

Facebook Comments