INCENTIVES PARA SA MGA ATLETA NG ALAMINOS CITY, APRUBADO NA SA COMMITTEE LEVEL

Inaprubahan na sa committee level ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan noong Disyembre 15 ang Ordinance No. 2022-04 na naglalayong magbigay ng incentives sa mga atleta ng Alaminos City.

Ang ordinansa ay naglalaman ng mga probisyon para sa pagbibigay ng gantimpala at suporta sa mga atletang nakapagtala ng tagumpay sa mga lehitimong paligsahan.

Layunin nitong kilalanin ang kanilang pagsisikap at makatulong sa patuloy nilang pagsasanay at paghahanda sa sports.

Ayon sa ordinansa, ang pagbibigay ng incentives ay bahagi ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang suportahan ang sports development at hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa mga gawaing pampalakasan.

Inaasahang ang ordinansa ay mgsisilbing gabay sa maayos na pagpapatupad ng pagbibigay ng incentives sa mga kwalipikadong atleta ng lungsod kapag ito ay tuluyang naaprubahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments