INCENTIVES SA MGA LONG-TERM BARANGAY NUTRITION SCHOLARS SA LA UNION, HINDI PA RIN NAIBIBIGAY

Kinuwestiyon sa naganap na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng La Union ang hindi pa rin naibibigay na incentives ng mga long term Barangay Nutrition Scholars o BNS.
Ayon sa isang mambabatas, ang naturang incentive ay matagal nang may alokasyon sa annual budget ng lalawigan ngunit matagal na umanong hindi naipapamahagi sa mga nutrition scholars.
Dagdag nito, patuloy na nakatatanggap ang opisina ng mambabatas ukol sa naturang reklamo dahil hindi pa rin nasosolusyunan hanggang sa kasalukuyan.
Enero ngayong taon nang una itong idulog sa sangguniang panlalawigan ngunit wala pa rin umanong kasagutan sa isyu.
Sa talumpati ng mambabatas, kinilala nito ang karapatan ng mga barangay nutrition scholars sa naturang incentives bilang kaagapay sa buwanang monitoring ng nutrisyon ng mga residente kada barangay at tagapamahala ng mga feeding programs.
Apela ng opisyal na malaman sa susunod na session kung may allocated budget para sa incentives at kung maibibigay ba ito sa mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments