
Kasalukuyan pa ring under review ng panel of prosecutors ang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte na inihain noon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inaalam pa ng prosekusyon kung aakyat na sa pagsasampa sa korte o ibabasura ang reklamong reklamong inciting to sedition at grave threats laban sa pangalawang pangulo.
Nag-ugat ang reklamo ng NBI sa pahayag ni VP Sara sa kaniyang press conference na sakaling mapatay siya ay may kinausap na raw ito para ipapatay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sabi ni Martinez, nakabinbin pa ngayon ang draft resolution kaugnay sa reklamo.
Kasunod naman ng anunsiyo ni VP Sara noong Miyerkules na tatakbo ito bilang presidente sa 2028, tiniyak ni Martinez na wala itong magiging epekto sa imbestigasyon ng kagawaran.










