Manila, Philippines – Ipinababasura ni Senador Antonio Trillanes IV sa Pasay City Prosecutor ang kasong sedition laban sa kanya na inihain ng grupo ng mga abogado noong nakaraang taon.
Sa kanyang 35-pahinang counter-affidavit, iginiit ni Trillanes na dapat ibasura ang complaint dahil sa kawalan ng basehan at ebidensya.
Aniya, puro alegasyon lang ang reklamo kaya umaasa siyang mababasura lang ito.
Giit ni Trillanes, gawa-gawa lang ng mga alipores ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang inihain ni Paras ang reklamo dahil sa panghihikayat ni Trillanes sa mga sundalo na mag-aklas sa gobyerno.
Gayundin ang pagtawag ng senador na isang baliw ang Pangulo.
Facebook Comments