Income ng GSIS tumaas ng 400-percent sa unang bahagi ng taon

Masayang ibinalita ng Government Service Insurance System o GSIS ang pagtaas ng kita nito ng 400-porsyento sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.

 

Ayon kay GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas, umabot sa 38.7-billion pesos ang income ng ahensya ngayong first quarter kumpara sa mahigit 9-billion pesos noong nakaraang taon.

 

Sabi ni Aranas, ito ay resulta ng mga pagtaas sa stock market values, sa intrest income at sa premium contributions.


 

Paliwanag pa ni Aranas, nakatulong dito ang pagtaas ng intres sa mga bagong loan programs ng GSIS.

 

Kabilang dito ang GSIS financial assistance loans para sa mga personnel ng Department Of Education at GSIS enhanced consolidted salary loan plus para sa mga miyembro nito.

 

Binanggit ni Aranas, na tumaas ng 7-percent ang premium contributions sa GSIS dahil umaabot na ngayon sa 1.8 million ang aktibong mga miyembro nito.

 

Tiwala si Aranas na patuloy na magiging produktibo ang GSIS bilang sukli sa tiwala ng mga miyembro at pensioners nito.

Facebook Comments