Pinangunahan ni Western Mindanao Command at Incoming Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa kauna-unahang flag-pole na itinayo sa Bakkungan island, Tawi-Tawi.
Ayon kay Lt. Gen. Galido, layon ng aktibidad na ipakita ang pag-pagpalit ng postura ng WESTMINCOM mula sa internal security tungo sa external defense.
Bukod sa flag-raising, nagsagawa din ang mga tropa ng WESTMINCOM ng groundbreaking ng solar lamp posts at pag-turnover ng medical at school supplies sa isla.
Mayruon ding ikinasang joint exercises at communication exercises ang WESTMINCOM sa land, sea at air assets.
Ang naturang isla na bahagi ng Turtle Island group ay malapit sa Sabah na nasa maritime border ng Pilipinas at Malaysia.
Facebook Comments