Incoming DepEd Sec. Sonny Angara, nilinaw na wala siyang ipinangakong pagtaas na P50,000 sa sahod ng entry-level teachers

Nilinaw ni Senator at incoming Education Secretary Sonny Angara na wala siyang binitiwang pangako na iaakyat sa ₱50,000 ang sweldo ng entry level teachers sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Angara, hindi realistic o makatotohanan ang ₱50,000 na sahod para sa mga bagong pasok na guro na sa kasalukuyan ay tumatanggap ng ₱27,000 kada buwan.

Aniya, ang pinag-aaralan ng gobyerno ngayon ay pagtaas ng sahod sa mga susunod na taon subalit wala siyang binabanggit na halaga ng itataas ng sweldo ng mga guro.


Paliwanag ni Angara, ang kanyang sinabi ay suportado niya ang dagdag-sahod ng mga guro at ito ay pinag-aaralan ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance at Office of the President.

Nakatitiyak naman ang bagong kalihim na mangyayari ito sa ilalim ng Marcos administration.

Facebook Comments