Incoming DFA Sec. Alan Peter Cayetano – handang magbitiw sa pwesto at makulong sakaling mali ang iprinesentang records ng bansa sa UN-Human Rights Council

Manila, Philippines – Handa si Senator at IncomingForeign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na magbitiw sa pwesto atmagpakulong sakaling mapatunayang mali ang kanyang iprinesenta sa unitednations human rights council.
  Ito ang inihayag ni Cayetano matapos na sabihin ng mgakritiko na isang “cover-up” ang ginawang presentasyon ng Senador sa humanrights records ng bansa sa universal periodic review ng UNHRC sa Geneva,Switzerland.
  Sa unang pagharap niya sa media bilang bagong DFA Secretarysa Phnom Penh, Cambodia – pinanindigan ni Cayetano na tama ang lahat ngipinahayag niya sa UN-Human Rights Council kaugnay sa war on drugs campaign ng Duterteadministration.
  Ayon kay Cayetano – nang siya ay nasa Switzerland,nalaman nito na hindi eksperto sa human rights abuses cases si UN SpecialRapporteur Dr. Agnes Callamard.
  Wala pang tugon si Callamard kaugnay sa sinabi ngkalihim.
  Nabatid na mula Switzerland ay dumiretso si Cayetano sa PhnomPenh, Cambodia kung saan naroon ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalosa world economic forum.
 

Facebook Comments