Manila, Philippines – Sasalang na ngayong araw sa Commission on Appointments (CA) si Sen. Alan Peter Cayetano bilang nominadong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Kaugnay nito, umaasa si Cayetano na magiging maayos ang pagdinig para sa kanyang kumpirmasyon.
Sa ngayon, ayon kay Senador Ping Lacson, wala siyang nakikitang problema at mukhang okey sa mga kasamahan niya sa kongreso na ipasa ang kumpirmasyon ni Cayetano.
Samantala, oras na lumusot sa CA si Cayetano, ituturing na siyang resign na senador.
May panghihinayang naman ang mga kapwa niya senador kabilang na ang ilang beses na nitong nakabanggaan na si Senador Antonio Trillanes.
Maging si Senate President Koko Pimentel ay aminadong malaking kawalan sa Senado si Cayetano.
Sakaling makumpirma, mababakante ang Chairmanship ni Cayetano sa Senate Committee on Foreign Relations at Agrarian Reform.
DZXL558