Manila, Philippines – Inamin ni Senator Alan Peter Cayetano na nagulat siya nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga sa kanya bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Cayetano, labis siyang nagpapasalamat sa pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Duterte sa Gabinete at tiniyak na gagawin ang lahat para maging maayos na kinatawan ng Pilipinas sa foreign affairs.
Sabi pa ni Cayetano, kailangan muna niyang makapasa sa Commission on Appointments bago makapanumpa sa tungkulin.
Tiniyak din ni Cayetano na magpo-pokus siya sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers at independent foreign policy ng Pangulo.
Iiral aniya ang economic diplomacy at wala ring masasayang na desisyon kabilang na ang usapin sa South China Sea.
DZXL558