Incoming members ng 20th Congress, hinikayat ng liderato ng Kamara na makiisa sa adhikain ng Bagong Pilipinas ni PBBM

Hinikayat ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga bagong kongresista na magiging miyembro ng 20th Congress na makiisa sa adhikain ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Mensahe ito ni Romualdez sa ginanap na fellowship dinner sa Imelda Hall ng Aguado Residence in Malacañang na dinaluhan ng mga nanalong kongresista nitong nagdaang midterm elections na kabilang sa unang batch ng tatlong araw na executive course on legislation.

Present din sa fellowship dinner ang kasalukuyang mga opisyal ng Kamara at iba pang kongresista tulad ng mga miyembro ng Young Guns.

Diin ni Romualdez, mahalaga ang pagkakaisa, maagang paghahanda, at buong suporta para sa repormang isinusulong ng administrasyon.

Kasabay nito ay hiniling ni Romualdez sa mga neophyte congressmen na gampanan ng mahusay ang kanilang tungkulin hindi lang bilang mambabatas kundi bilang mga lider na walang takot na maninindigan kung ano ang tama at tutugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Facebook Comments