Incoming National Security Adviser Clarita Carlos, nagsampa ng reklamong cyberlibel laban sa limang indibidwal

Naghain ng reklamong cyberlibel si incoming National Security Adviser Clarita Carlos laban sa limang tao.

Ito ay matapos humiling si Carlos sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga mapanirang posts laban sa kaniya.

Ang mga mapanirang posts ay napabalitang ginawa ng dalawang political analysts, isang historian, isang abogado at isang netizen.


Pinag-aaralan na ngayon ng NBI ang reklamo at ang mga post na ginawa ng sangkot na indibidwal.

Nagbaba na rin ng subpoena ang NBI kay Presidential Commission on Good Governance Commissioner Ruben Carranza upang magpaliwanag at linawin ang tweet na naka-post nitong March 2 lamang.

Si Carranza ay nasa ibang bansa sa ngayon ngunit ipapadala pa rin ang kaniyang subpoena sa residential address nito sa Pilipinas.

Facebook Comments