Nagpasalamat si Incoming PNP Chief Lt. General Guillermo Eleazar kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili sa kanya para pamunuan ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP).
Kanina inihayag ng Malacañang na si Lt. General Eleazar na ang papalit kay outgoing PNP Chief General Debold Sinas na magreretiro na sa serbisyo sa Sabado.
Sa official statement ni Eleazar sinabi nitong nagpapasalamat sya sa pangulo dahil napili syang maging instrumento para sa layunin nitong mapanatili ang mga displinado at propesyunal na pulis para gampanan ang kanilang trabahong magpatupad ng batas at protektahan ang mga Pilipino.
Aniya isang pambihirang pagkakataon ang mapili bilang PNP Chief, marami raw syang kakaharaping challenges, maging ang mataas na expectation ng publiko sa kanya pero ito ay kanyang tinatanggap.
Nagpasalamat din si Eleazar kay Department of the Interior and the Local Government Secretary Eduardo Año dahil sa pagtitiwala sa kanya na pamunuan ang mahigit 220,000 na police force.
Sa huli higit nagpasalamat si Eleazar sa poong maykapal dahil sa pagkakataong ito na pagsilbihan ang mga kapwa Pilipino.