Incoming Pnp Chief Ronald “Bato” Dela Rosa – Hinamon Ng Dwelo Ang Mga Drug Lords Na Gusto Silang Ipatumba Ni President E

22

MANILA – Hinamon ng duwelo ni incoming Pnp Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang mga drug lords na gusto silang ipatumba ni President-elect Rodrigo Duterte.Ang hamon kasunod sa report na tinaasan ng mga drug lords sa P1 billion ang pabuya sa sinumang makakapatay sa kanila ni Duterte.Ayon pa kay dela Rosa, kung siya ang matitirang buhay o “last-man-standing”, ay ido-donate niya ang pera sa pagpapatayo ng drug rehabilitation center sa rehiyong may pinakamataas na bilang ng drug dependents.Kasabay nito, binantaan din ni Bato ang mga opisyal na mapapatunayang sangkot sa ilegal na gawain.Aminado rin si Bato na may mga General na nagtatanong kung sila ang tinutukoy ni duterte na protektor at tumatanggap ng pera sa mga drug lord.Handa naman umano siyang bigyan ng pagkakataon ang mga ito pero tiniyak nitong magkakaroon ng malawakang balasahan sa kanilang hanay.

Facebook Comments