Incoming Presidential Spokesperson Roque, may ambisyon kaya tinanggap ang alok na posisyon ng pangulo?

Manila, Philippines – Naniniwala si Independent Minority member Akbayan Rep. Tom Villarin na may ambisyon si outgoing Kabayan Rep. Harry Roque kaya niya tinanggap ang posisyon na maging Presidential Spokesperson.

Tinawag ni Villarin na ambitious neophyte congressman si Roque na pinupuntiryang maging senador.

Naniniwala si Villarin na sasakay sa popularidad ng Pangulo si Roque kaya kinuha na nito ang posisyon ng pagiging Presidential Spokesperson para mapaghandaan ang senatorial election sa 2019.


Matatandaan na inanunsyo ni Pangulong Duterte sa Masskara Festival sa Bacolod City na senatoriable ng PDP-LABAN sa 2019 si Roque.

Sarkastikong sinabi pa ni Villarin na ang pagiging Presidential Spokesperson ni Roque ay win-win solution at deserve nila ng Pangulo ang bawat isa dahil ang Presidente ay kilalang nagsusulong ng patayan habang si Roque ay nagbabalatkayo naman bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Facebook Comments