Incoming Press Sec. Atty. Salvador Panelo, Naninidigang Paninira Lang Sa Duterte Administration Ang Mga Akusasyon Laban

11

MANILA – Nanindigan si Incoming Press Secretary Atty. Salvador Panelo na parte lang ng paninira sa Duterte Administration ang akusasyong paglabag niya sa parking rules ng Shopping Center sa Greenhills, San Juan City.Sa Facebook post ng isang Clarisse Evangelista, nakitang nakaparada ang Mercedez Benz ni Atty. Panelo sa labas ng Greenhills Shopping Center na ‘No Parking Zone.’Sa interview ng RMN kay Panelo, ipinaliwanag niya na wala siyang maparadahan sa parking area ng mall kaya naisip niya na doon na lang maghintay.Itinanggi din niya na kusa ang paglalagay niya ng poster na Duterte sa kanyang sasakyan matapos siyang bumaba dito.Una nang naging kontrobersyal ang appointment ni Duterte kay Panelo matapos itong batikusin ng mga pamilya ng biktima ng Maguindanao Massacre dahil sa pagsisilbi nitong abugado ng mga ampatuan.

Facebook Comments