Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ng Palasyo ng Malacañang na tataas pa ang world bank ranking ng Pilipinas sa mga bansa na magandang paglagakan ng negosyo.
Batay kasi sa Doing Business Reforming to create Jobs ng World Bank ay nasa ika-113 na ang Pilipinas mula sa dating ika-99 na puwesto.
Ayon kay Incoming Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bumaba ang ranking ng Pilipinas dahil ikinumpara ang bansa sa 30 iba pang bansa at hindi sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Kung ang ginawa aniya ay ikinumpara ang Pilipinas sa lahat ng bansa sa buong mundo ay tiyak na umangat at hindi bumaba ang puwesto ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Roque na ginagawan naman ng paraan ng Department of Trade and Industry ang nasabing usapin.
Sinabi din nito na asahan na ang pagbabago sa Nobyembre ng susunod na taon dahil si Pangulong Rodrigo Duterte na mismo ang nagbigay ng kautusan na magkaroon ng improvement sa ranking ng Pilipinas sa World Bank.