Incoming Senator Bam Aquino, tiniyak na ibabatay sa ebidensya ang magiging pasya sa impeachment case laban kay VP Sara

Iginiit ni incoming Senator Bam Aquino na evidence-based dapat ang magiging desisyon ng mga senador patungkol sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang tiniyak ni Aquino kahit sila ang inaasahang bubuo sa minorya ng Senado.

Ayon kay Aquino, tungkulin nilang mga senator judge na suriin ang ebidensya at magpasya batay sa ebidensya.

Hindi aniya sila magdedesisyon sa impeachment case ni VP Sara na hindi nila nakikita ang mga ebidensyang ilalatag ng parehong depensa at prosekusyon.

Binigyang-diin ng mambabatas na lahat ng mga senador ay dapat maghintay sa proseso, silipin ang ebidensya at magbaba ng desisyon base sa ebidensya at hindi batay sa kulay ng politika.

Facebook Comments