Incoming spokesperson Harry Roque, lilinawin sa publiko ang mga pahayag ni Pangulong Duterte lalo na sa usapin ng karapatang pantao

Manila, Philippines – Umaasa si incoming Presidential Spokesperson Harry Roque na mapapayuhan niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamaraan nito sa kampaniya kontra droga.

Ayon kay Roque, kaya niya tinanggap ang posisyon ay dahil nais niyang klaruhin ang mga binibitawang pahayag ng Pangulo lalo na sa usapin ng karapatang pantao.

Aniya, hindi magbabago ang kanyang pananaw tungkol sa human rights.


Hindi rin aniya niya kukunsintihin ang pagpatay sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Facebook Comments