Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang isinampa ng Quezon City Police District (QCPD) sa nasunog na MGC Warehouse, Inc. sa Tandang Sora, Quezon City na ikinasawi ng 15 katao.
Ang kaso ay laban kina Catherine Sy, Lina Cavilte, Johanna Cavilte, at Geoffrey Cavilte.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang pagsasampa ng kasong kriminal ay upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanagot ang mga responsable sa nangyaring insidente
Matatandaan noong August 31, nang mangyari ang sunog sa isang residential unit sa No. 68 Kenny Drive, Pleasant View, sa nasabing barangay.
Kung saan hindi nagawang makalabas ng bahay ang mga 15 na kapwa nasa loob na nagresulta ng kanilang pagkamatay.
Batay sa imbestigasyon, ginawa umanong factory at printing house ng MGC Wearhouse, Inc. ang nasunog na residential unit na walang pahintulot ng awtoridad.