Increase sa subsistence allowance ng mga sundalo, simula pa lamang ng mga inisiyatiba para mapabuti ang kanilang hanay

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na patuloy na makikipagtulungan ang Kamara sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at sa mga kaukulang ahensiya para matugunan ang pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pahayag ito ni Romualdez kaakibat ng kanyang papuri sa inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos na Executive Order No. 84 na nagpapatupad sa desisyon ng Kongreso na itaas sa ₱350 ang kada araw na subsistence allowance ng mga sundalo mula sa ₱150.

Ayon kay Speaker Romualdez, layunin nito na palakasin ang morale ng mga sundalo at tiyaking natatanggap nila ang sapat na suporta para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.


Binigyang-diin ni Romualdez na ang pamumuhunan sa kapakanan ng mga sundalo ay nagpapalakas sa pambansang seguridad at tumutulong sa pagpapalakas ng bansa.

Facebook Comments