Incumbent Brgy. Capt., Nasamsaman ng Iligal na Armas; Ilang Miyembro ng Konseho, Suportado umano ang CPP/NPA

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang Barangay Kapitan matapos masamsaman ng ilang iligal na kagamitan matapos isilbi ng mga awtoridad sa kanyang bahay kahapon(Enero 8,2021) ang Search Warrant na ipinalabas ng korte.

Nakilala ang suspek na si Kapitan Ruben Salvador, 52-anyos na residente ng Brgy. Agaman Norte, Baggao, Cagayan.

Nakumpiska kay Salvador ang isang (1) explosive (mortar), isang (1) hand greanade, isang (1) improvised shot gun, isang (1) caliber 38 revolver na may tatlong bala, limang (5) live ammunition ng caliber 45 at isang (1) live ammunition ng 7.62 at ilan pang subersibong dokumento.


Nabatid na kakampi umano ng Communist Terrorist Groups (CTGs) ang kapitan kung saan nagbibigay ito ng ilang kakailanganin at matitirhan ng mga grupo.

Gayundin, ang suspek at ilan pang miyembro ng Barangay Council ay lantarang sumusuporta sa adbokasiya ng CPP/NPA sa pamamagitan ng pagpayag bilang kanlungan umano ng grupo at pagdarausan ng ilang programa at aktibidad.

Dagdag dito, ang lugar ay nagsilbi rin bilang harboring area at exit corridor para sa grupo ng terorista.

Nasampahan na ng kasong RA 9516 o (Illegal Possession of Explosives) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments