INCUMBENT CITY MAYOR’S SA PANGASINAN, WAGING MULI SA HALALAN

Panalo muli ang mga incumbent city mayors sa apat na lungsod sa Pangasinan.

Sa Dagupan City, uupong muli sa kaniyang ikalawang termino si Mayor Belen T. Fernandez na nakakuha ng botong 81,977. Nakatunggali nito si Celia Lim na naka kuha ng 42, 200.

Umabot sa 57,076 ang nakuhang boto ni Urdaneta City Mayor Rammy Julio Parayno malayo sa naging boto ng kaniyang kalaban na si First Lady Maan Guico na mayroong 31,444.

Sa Alaminos City naman muling uupo para sa kaniyang huling termino si Bryan Celeste na nakakuha ng 40,938 na walang kalaban.

Sa lungsod ng San Carlos, lumamang ng higit Sampung libong boto Si 2nd term Mayor Ayoy Resuello laban Kay Lester Soriano na mayroong 48,402.

Ilan lamang sa mga ipinangakong plataporma ng apat na alkalde ang pagpapatuloy sa mga programang nasimulan na may kaugnayan sa kalusugan, kalikasan at edukasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments