Incumbent Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong City, naghain ng COC pagka-vice mayor ng lungsod

Pormal nang naghain ngayong umaga ng Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mandaluyong Mayor Menchie Abalos na tatakbong vice mayor ng lungsod ngayon 2022 election.

Bago ang filing ng COC, nagtungo muna ang alkalde sa si Divine Mercy Church upang manalangin.

Sinamahan ang alkalde ng kaniyang asawa na si Atty. Benhur Abalos na kasalukuyan chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Si Menchie Abalos ay nahalal bilang mayor ng lungsod noong 2016.

Samantala, kasabay rin niyang naghain ng COC ang kaniyang father-in-law at dating COMELEC chairman na si Benjamin Abalos Sr. na tatakbong mayor ng Mandaluyong.

Facebook Comments