Indemnity payment sa mga hog raiser na naapektuhan ng ASF sa Cagayan de Oro, papatapos na ayon sa DA

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na malapit na nilang matapos ang pagbabayad sa first batch ng hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Cagayan de Oro.

Ayon sa DA, nasa 84 na hog raisers sa apat na barangay sa Cagayan de Oro ang nakatanggap ng bayad pinsala.

Naunan nang pinaglaanan ng ahensya ng pondo ang financial assistance na aabot sa P785,000.


Sa tulong ng mga City Local Government, naibigay na ang mga indemnity payment sa mga magbababoy sa Barangay Makasandig, Indahag, Puntod at Macabalan.

Facebook Comments