Idaraos ng Palasyo ng Malacañang ang iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa June 12.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa June 10, Lunes, ay idaraos ang unang araw ng “Musikalayaan” Concert sa Luneta tampok ang iba’t ibang artists tulad ng bandang Rocksteddy.
Magtatagal ang Musikalayaan hanggang June12, kung saan magpe-perform din ang P-Pop Girl Group na BINI.
Sa June 10 ay ilulunsad din ang “Klinikalayaan 2024: Serbisyong kalusugan para sa bayan” program sa dancing fountain area sa Luneta, at kung saan libreng dental, optical, at iba pang serbisyong medikal.
Isasagawa rin ang “A-tapang A-tao Chili festival” Tampok ang exhibit at pagbebenta ng iba’t ibang hot sauce, sili, at iba pang chili products mula sa Philippine Chili Federation.
Sa mismong Independence Day naman sa June 12 ay idaraos ang “Parada ng Kalayaan” sa Quirino Grandstand tampok ang military parade at makukulay na float na kakatawan sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.