Independent at impartial investigation sa kaso ng pagpatay kay Carl Arnaiz, mahigpit na bilin ni Pangulong Duterte sa NBI

Manila, Philippines – Independent and impartial investigation sa kaso ng pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz.

Ayon kay Justice Undersec. Erickson Balmes, yan ang mahigpit na bilin ng Pangulong Duterte kay Justice sec. Vitaliano Aguirre.

Ito ay matapos na personal na makausap ng pangulo ang mga magulang ni Arnaiz.


Samantala, kahapon, Pormal na ring ipinag-utos ni Aguirre sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang pagkamatay ng 14-taong gulang na binatilyo na si Reynaldo De Guzman.

Si De Guzman ang sinasabing huling nakasama ni Carl nang mawala ito noong August 18.

Ang NBI din ang nagsampa ng hiwalay na mga kaso sa DOJ laban sa mga pulis ng Caloocan na pumatay sa Grade 11 student na si Kian Loyd delos Santos, bukod sa isinampang kasong murder at paglabag sa anti-torture law ng Public Attorney’s Office.

Facebook Comments